Ipinahayag kamakailan ni Arkhom Termpittayapaisit, Ministro ng Transportasyon ng Thailand, na ilalaan ng pamahalaang Thai ang halos 406 bilyong Thai Baht o halos 11.5 bilyong Dolyares para palakasin ang kakayahan ng bansang ito sa abiyasyon.
Sinabi niyang sa loob ng darating na 10 taon, inaasahang tataas ang bolyum ng pagpasok-labas ng mga pasahero sa 39 na paliparan ng bansang ito mula 130 milyong person-time hanggang 277 milyong person-time. Samantala, ang bolyum ng bagaheng panghimpapawid ay patataasin sa 3 milyong tonelada kada taon mula 1.3 milyong kada taon.