Kahapon, March 13, 2017, sa Department of Health (DOH) ng Pilipinas, nilagdaan nina Jin Yuan, Commercial Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas at Elmer Punzalan, Assistant Secretary ng DOH ang Memorandum of Understanding ng dalawang bansa hinggil sa pagtatatag ng drug treatment and rehabilitation center sa Pilipinas.
Ipinahayag ni Jin na sapul nang dumadalaw si Pangulo Duterte sa Tsina noong taong nakalipas, walang humpay na lumilitaw ang iba't ibang bunga ng kooperasyon ng Pilipinas at Tsina, at ang paglalagda ng MOU ay isa sa mga bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa. Umaasang sa pamamagitan ng pagsisikap ng dalawang panig, sisimulan ang proyektong ito sa taong ito.
Napag-alamang, itatatag ng Tsina ang dalawang drug treatment and rehabilitation center sa Agusan del Sur at Sarangani, ang bawat isa ay may 150 kama. Iniharap din ang plano ng gusali ng panig Pilipino.
salin:Lele