Sa kanyang talumpati sa 2017 China Development Forum, na idinaos kahapon, Lunes, ika-20 ng Marso 2017, sa Beijing, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, na nakahanda ang kanyang bansa na isabalikat ang sariling responsibilidad sa pangangalaga sa katatagan at kaunlaran ng daigdig. Pero aniya, walang intensyon ang Tsina na maging lider ng daigdig.
Tinukoy din ni Wang, na para pangalagaan ang mapayapang pag-unlad ng daigdig, iginigiit ng Tsina ang prinsipyo ng pagtatatag ng iba't ibang bansa ng pantay-pantay, bukas, at kooperatibong partnership. Pinaninindigan aniya ng Tsina, na sa pamamagitan nito, itatag ang bagong relasyong pandaigdig, na ang nukleo ay kooperasyon at win-win situation.
Salin: Liu Kai