Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Yang Jiechi at Kalihim ng Estado ng E.U., tumelepono

(GMT+08:00) 2017-04-03 13:29:16       CRI
Sa paanyaya, nag-usap sa telepono kahapon sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos (E.U.).

Sinabi ni Yang na ang gagawing pagtatagpo nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Donald Trump ng Amerika, mula ika-6 hanggang ika-7 ng buwang ito sa Mar-a-Lago, Florida., ay pinakamalaking pangyayari sa kasalukuyang relasyong Sino-Amerikano. Aniya, hindi lamang mahalaga ito sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa, kundi sa pagpapahigpit ng kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyong Asya-Pasipiko at buong daigdig. Umaasa siyang magkasamang magsisikap ang dalawang panig para maging matagumpay ang pagtatagpo.

Ipinahayag naman ni Rex Tillerson na inaasahan ni Pangulong Trump na sasalubungin si Pangulong Xi sa Mar-a-Lago, Florida. Ang pagtatagpo ay napakahalaga para sa relasyong Sino-Amerikano. At buong lakas na naghahanda ang panig Amerikano para maigarantiyang matamo ang positibong bunga.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>