Ayon sa ulat kahapon, Lunes, ika-3 ng Abril 2017, ng Investigative Committee ng Rusya, naganap nang araw ring iyon ang suicide bombing sa isang tumatakbong tren ng metro sa St. Petersburg, lunsod sa hilagang kanluran ng Rusya.
Ikinamatay ang insidenteng ito ng 11 katao, at ikinasugat ng 45 iba pa. Ipinatalastas na ng panig opisyal ng Rusya ang insidenteng ito, bilang teroristikong pag-atake. Ayon pa rin sa inisyal na imbestigasyon, ang maykagagawan ay taga-Gitnang Asya, at mayroon siyang kaugnayan sa mga ekstrimista ng Syria.
Pagkaraang maganap ang insidente, nagpahayag ng pagkondena ang komunidad ng daigdig, na kinabibilangan ng pangkalahatang kalihim ng United Nations, United Nations Security Council, Amerika, at mga iba pang bansa.
Salin: Liu Kai