Ayon sa estadistika na isinapubliko Abril 5, 2017 ng awtoridad na panturista ng Biyetnam, noong Marso ng 2017, umabot sa 300 libo ang bilang ng mga turista mula sa mainland ng Tsina na pumunta sa Biyetnam. Ito ay mas malaki ng 39.2% kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon.
Ipinahayag ng nasabing awtoridad na bilang pinakamalaking pinanggagalingan ng mga turistang dayuhan sa Biyetnam, inaasahan nila ang paglalakbay ng mas maraming mamamayang Tsino sa kanyang bansa. Umaasa rin anito ang Biyetnam na pasusulungin ang relasyong Sino-Biyetnames sa pamamagitan ng pinalakas na pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.