Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lider ng Tsina at Rusya, nag-usap

(GMT+08:00) 2017-04-14 09:46:38       CRI

Kinatagpo Abril 13, 2017 sa Moscow ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina.

Ipinaabot ni Zhang ang pagbati kay Pangulong Putin, mula kay Pangulong Xi. Inilahad din ni Zhang ang bungang natamo ng Tsina at Rusya sa kooperasyon sa larangan ng enerhiya, pamumuhunan, pinansyo at iba pa.

Ipinahayag ni Zhang na nakatakdang idaos sa Beijing ang "Belt and Road" Summit Forum, mula Mayo 14-15, 2017. Aniya, ang Rusya ay mahalagang bansang pangkooperasyon sa kahabaan ng "Belt and Road." Hinihintay aniya ng panig Tsino ang pagdalo ng Pangulong Ruso sa nasabing porum.

Ipinaabot naman ni Pangulong Putin ang pagbati kay Pangulong Xi. Handa na aniya siya sa pagdalo ng "Belt and Road" Summit Forum sa Beijing. Umaasa aniya siyang palalawakin ang pagtutulungan ng Tsina at Rusya sa ibat-ibang larangan, para ibayong palakasin ang kasalukuyang estratehikong partnership ng dalawang bansa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>