Ipinahayag Abril 19, 2017 ni Dimitri Peskov, Kalihim na Pang-impormasyon ng Pangulong Ruso, na posibleng lumala ang kalagayan sa Peninsula ng Korea, at ikinababalisa ng Rusya ang hinggil dito.
Aniya, umaasa ang Rusya na magtitimpi ang mga may kinalamang panig para iwasan ang paglala ng kalagayang panrehiyon.
Samantala, umaasa rin aniya ang Rusya na isasagawa ng komunidad ng daigdig ang mabibisang hakbang para pasulungin ang paglutas sa isyu ng Peninsula ng Korea, sa paraang pampulitika at diplomatiko.
Dagdag pa niya, palaging tinututulan ng kanyang bansa ang pagpataw ng sangsyon sa isyung ito.