Sa idinaraos na Ika-7 Beijing International Film Festival, napili para maglaban-laban ang 15 pelikula sa "Tiantan Award," competition section ng pestibal na ito.
Kabilang dito ay 2 mula sa Tsina, at 13 mula sa mga bansang dayuhan, na gaya ng Pransya, Finland, Italya, Kanada, Georgia, Hapon, Australya, Iran, Romania, at iba pa.
Si Bille August, kilalang direktor ng Denmark, ay Jury President ng naturang gantimpala. Ang mga iba pang hukom ay kinabibilangan nina Jiang Wenli, kilalang aktres na Tsino, Jean Reno, kilalang aktor na Pranses, Paolo Del Brocco, movie manager mula sa Italya, at iba pa.
Ang resulta ng naturang gantimpala ay ilalabas sa ika-23 ng buwang ito.
Salin: Liu Kai