Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

SM Suzhou, patuloy na lumalaki't umuunlad

(GMT+08:00) 2017-05-02 17:04:26       CRI

Nitong Sabado, Abril 29, 2017 ginanap ang grand reopening ng SM Suzhou Mall. Binuksanang SM Suzhou noong taong 2011. Ito ang pang-apat na mall na itinayo ng SM Prime Holdings sa Tsina, at una sa lalawigan ng Jiangsu.

SM Suzhou

Matatagpuan ang SM Suzhou sa Wuzhong District sa dakong timog ng lunsod ng Suzhou at napili ang lugar bilang pag-ayon sa temang "Beautiful Suzhou, Humanistic Wuzhong." Mula nang buksan anim na taon nang nakalilipas, ang SM Suzhou ay maituturing na bahagi ng puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad, nilikha nito ang may 1,000 trabaho.

Ribbon cutting ceremony na ginanap noong Sabado, Abril 29, para sa grand reopening ng SM Suzhou.

Sa grand opening nitong weekend, ipinakilala ang karagdagang mga brand na makikita sa loob ng mall. Mula 112 brand, may bagong 55 brand at likha nito ay halos 500 pang trabaho para sa mga tao sa lokalidad.

Para sa mga kabataang madalas na mag-malling, sa naganap na muling paglulunsad ng SM Suzhou nitong Sabado, sinabi ng SM Management na inanyayahan nila ang mga kilalang young author na sina Yuan Ziwen at Yuan Zihao, na graduate sa Peking University para isagawa ang Book Signing event para sa kanilang mga fans.

Si Steven Tan (gitna), Senior Vice President ng SM Supermalls, kasama ang mga executives at piling panauhin.

Bukod sa negosyo, mahalaga rin sa SM Suzhou ang pagtataas ng antas ng kaalaman hinggil sa environment protection. Kaya taon-taon isinasagawa nila ang Earth Hour upang ibahagi sa mamamayan ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan.

Napanalunan ng SM Suzhou ang "Major Foreign Investment in Suzhou's Wuzhong Economic Development Zone" Awards dalawang beses noong taong 2010 and 2011.

Ang lunsod ng Suzhou ang sentro ng ekonomiya at kalakalan ng lalawigang Jiangsu. Matatagpuan dito ang ilang export processing zones at industrial parks. Bukod dito ang Suzhou ay kilala rin sa mga magagandang tanawin, makasaysayang pasyalan at sinaunang mga water towns.

Balita : Mac Ramos

Edit: Jade

Web-editor: Vera

Photo credit: SM

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>