Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paghirang kay Secretary Gina Lopez, tinanggihan ng Commission on Appointments

(GMT+08:00) 2017-05-04 17:43:43       CRI

TINANGGIHAN ng Commission on Appointments ang paghirang kay Secretary-Designate Regina "Gina" Lopez bilang Secretary of Environment and Natural Resources.

Pangalawang tinanggihan ng Commission on Appointments ang nominasyon ni Bb. Lopez. Unang ibinasura ang appointment ni Foreign Affairs Secretary-Designate Perfecto R. Yasay, Jr.

Humarap si Bb. Lopez ng tatlong ulit sa Commission on Appointments na nauwi sa kanyang pagpapaliwanag sa pagpapasara ang 23 mga minahan at suspendihin ang limang iba pa noong Pebrero. Pinagdudahan ang kanyang kakayahang pamunuan ang Department of Environment and Natural Resources.

Sa isang press conference matapos ang pagbasura sa kanyang appointment, sinabi ni Bb. Lopez na ang mga kumontra sa paghirang sa kanya ay naimpluwensiyahan ng malalaking negosyo.

Nawalan na umano ng pag-asa ang mahihirap, sabi ni Bb. Lopez na nagmula sa malaki at mayamang pamilya ng mga haciendero sa Kabisayaan. Pamilya rin niya ang may-ari ng ABS-CBN Rario Television Network.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>