Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Martin Andanar ng PCOO, dumalaw sa CRI: prospek ng pagtutulungan sa media ng Pilipinas at Tsina, patuloy ang paglakas

(GMT+08:00) 2017-05-05 17:09:15       CRI

Sina PCOO Sec. Martin Andanar (kaliwa) at Pangalawang Pangulo Tian Yuhong ng CRI (kanan)

Beijing, May 5, 2017 – Bilang bahagi ng pinalakas na pagsisikap ng Pilipinas at Tsina upang mapasulong ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa larangang pang-kultura at pamamahayag, dumalaw kaninang umaga sa tanggapan ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI) si Kalihim Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) at kanyang delegasyon.

Sa kanyang pakikipagtagpo kay Tian Yuhong, Pangalawang Pangulo ng CRI, ipinahayag ni Andanar ang pasasalamat sa suporta at tulong ng Tsina sa ekonomiya ng Pilipinas.

Ani Andanar, ang Tsina ay hindi lamang kaibigan ng Pilipinas, kundi isang kapatid.

Sinabi niyang, pinirmahan kamakailan ng CRI at PCOO ang ilang kasunduan upang mapalakas ang pagpapalitan ng dalawang bansa sa pamamahayag.

Nakatuon ang atensyon ng Pilipinas sa pagpapatupad ng mga ito, dagdag ni Andanar.

Iminungkahi rin ni Andanar ang pagsasahimpapawid sa Pilipinas ng mga lokal na programa ng CRI sa pamamagitan ng Radyo ng Bayan.

Samantala, pinapurihan niya ang mga mamamahayag ng Serbisyo Filipino ng CRI sa magandang trabahong kanilang ginagawa at kanilang magaling na pagsasalita ng wikang Filipino.

Ipinapakita nito aniya ang adhikain ng Pamahalaang Tsino, hindi lamang sa matagumpay na pamamahala ng bansa, kundi rin sa pagpapa-abot at pagbabahagi ng kaisipan, kultura at kaunlaran ng Tsina sa ibang bansa.

Dagdag pa ng kalihim na Pilipino, lubhang napakalaki ng potensyal sa kooperasyon ng CRI at Radyo ng Bayan.

Kaya naman, nais aniya ng Pilipinas na palakihin at i-overhaul ang Radyo ng Bayan, at palakasin ang pagsasahimpapawid nito sa short wave (SW).

Group picture ng PCOO delegation at CRI staff, Sec. Martin Andanar (ika-6 sa kanan), Direktor An Xiaoyu ng CRI Southeast Asia Broadcasting Center (nasa gitna), at Direktor Xian Jie ng CRI Filipino Service (una sa kaliwa) 

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng CRI at Radyo ng Bayan sa SW, maipapaabot aniya ng Tsina sa mga Pilipino ang magandang balita at ganoon din ang Pilipinas sa mga Tsino, at malalabanan ng dalawang bansa ang paglaganap ng mga pekeng balita.

Samanatala, ipinahayag naman ni Tian, na ang mga nilagdaang kasunduan ng CRI at PCOO noong Pebrero ng taong ito ay nagsisilbing pundasyon ng pagtutulungan ng dalawang panig.

Dagdag niya, bilang bahagi ng mga nasabing kasunduan, kasalukuyang nakikipag-usap ang Serbisyo Filipino ng CRI sa People's Television Network (PTV) hinggil sa magkasamang paggawa ng isang documentary series sa telebisyon na pinamagatang "Mga Pinoy sa Tsina."

Ito ay dokumentaryo hinggil sa pamumuhay, pagtatrabaho at pananaw ng mga Pilipinong nasa Tsina, dagdag ni Tian.

Umaasa aniya ang CRI na maisasahimpapawid ang naturang documentary series sa Tsina at Pilipinas.

Si Sec. Martin Andanar sa harapan ng mensaheng panalubong sa PCOO delegation

Bukod dito, pag-iibayuhin aniya ng Serbisyo Filipino ng CRI ang pagpupunyagi upang maging katotohanan ang mga mungkahi ng panig Pilipino at ang mga nilalaman ng nasabing mga kasunduan.

Pag-aralan din aniya ng CRI ang posibilidad ng pagsasahimpapawid ng mga programa nito sa Radyo ng Bayan at inaasahan din niyang magkakaroon ng mga detalyadong plano hinggil dito.

Sinabi ni Tian, na sa pamamagitan ng Serbisyo Filipino ng CRI, nais ihatid ng CRI sa mga Pilipino ang mga makatotohanan at walang bias na impormasyon tungkol sa Tsina.

Aniya pa, mayroon ding WeChat account ang Serbisyo Filipino ng CRI na nagsasahimpapawid para sa mga Tsino, at misyon nitong ipakilala sa mga Tsino ang magagandang lugar, pagkain at kulturang Pilipino.

Ani Tian, hangad ng CRI na maging isang platapormang multi-media maghahatid sa mga Pilipino ng tunay na mga impormasyon hinggil sa Tsina at maghahatid sa mga Tsino ng tunay na impormasyon hinggil sa Pilipinas, sa pamamagitan ng radio, at new media.

Balita/Larawan: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>