Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sec. Martin Andanar: Pinahalagahan ang Balitang Batay sa Katotohanan para Isulong ang Mabuting Ugnayan

(GMT+08:00) 2017-05-05 18:11:57       CRI

Si PCOO Sec. Martin Andanar (kanan) ay kinapapanayam ni Mac Ramos (kaliwa) sa loob ng studio ng CRI

Best Practices ng Mediyang Tsino

Sa ekslusibong panayam ng China Radio International (CRI) Serbisyo Filipino ngayong araw Mayo 5, 2017, ipinahayag ni Kalihim Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na mainit ang pagtanggap ng Tsina sa kaniyang delegasyon na dumating Mayo 3 para isagawa ang media visits sa iba't ibang lunsod sa Tsina.

"Kami ay nagpapasalamat dahil ang China ay hindi lang puro salita mayroong aksyon ang kanilang mga pangako na tulungan tayong mga Pilipino, lalung-lalo na sa PCOO, mula nang nilagdaan namin yung MOU noong dumalaw si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Beijing para magkaroon ng malakas na bilateral communications relationship between China and the Philippines."

Group picture ng PCOO delegation at CRI staff, Sec. Martin Andanar (ika-6 sa kanan sa likuran), CRI Vice President Tian Yuhong (ika-6 sa kaliwa sa likuran), Direktor An Xiaoyu ng CRI Southeast Asia Broadcasting Center (ika-5 sa kanan sa likuran), at Direktor Xian Jie ng CRI Filipino Service (ika-3 sa kaliwa sa harapan)

Matapos ang pakikipag-usap kay Vice President Tian Yuhong ng CRI, ipinalalagay ni Andanar na ang pinakamalaking bunga ng kanilang paghaharap ay ang pagpapalakas ng mutual agreement na nilagdaan noong Pebrero sa Pilipinas. Dagdag niya "Agad-agad ay dapat magkaroon ng sharing of content. Kailangan ang CRI Filipino Service ay napapakinggan sa Pilipinas at vice versa."

Nang tanungin hinggil sa kanyang impresyon sa Chinese media sinabi ng Kalihim, "Kung gaano ka professional ang pagpapatakbo ng western media ganoon din ka professional ang pagpapatakbo ng Chinese media. Napakaorganized. It is government owned yet ang reach ay napakalawak sa buong mundo." Napuna rin niya ang pagpapahalaga ng Tsina sa mga mamamayan nito na nasa loob at maging sa mga nasa labas ng bansa. At ito ay magandang halimbawa dahil may higit 8 milyong Pilipino sa iba't ibang panig ng mundo. Aniya pa "Kaya kami sa PCOO gusto naming pag-aralan at kumuha ng direksyon mula sa mga managers ng (Chinese media) para sa pag-expand ng government media outlets (ng Pilipinas) ay hindi magkamali at walang sasayanging resources dahil yung best practices ay napag-aralan na namin dito."

Mga Palagay hinggil sa Belt and Road Initiaive

Masayang ipinahayag ni Kalihim Andanar na ang relasyon ng Tsina at Pilipinas ay napakaganda simula noong naupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang. Aniya higit US$24 Billion ang ipinangakong pamumuhuanan ng Tsina sa Pilipinas. Kung isasali ang mga infrastructure projects maaring umabot ito sa US$30 Billion Public Private Partnerships.

Sinabi pa ni Kalihim Andanar "Kung titingnan ang infrastructure projects ngayon sa ilalim ng Build Build Build (program) aabot ito sa halos 8 Trilyong Piso sa loob ng 6 na taon, at malaking bahagi po doon ay galing sa China. Kaya kami po at nagpapasalamat sa bansang China sa malaking suporta ng gobiyerno para mas lalung lumago ang ating ekonomiya sa Pilipinas. It is undeniable that China is a world power, an economic power, the second largest economy in the world and the number one importer of most of the goods that is being produced outside of China. Maganda po na tayo ay nakikinabang sa mga negosyo na nangyayari dito sa China."

Sa gaganaping Belt and Road Forum for International Cooperation ngayong Mayo sa Beijing, kinumpirma ni Kalihim Andanar ang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte. At ipinahayag ang planong pagkakaroon ng sideline press conference ng Pangulong Pilipino. Tatawagin itong "Dutertenomics-Belt and Road China." Sa pamamagitan nito maipapaliwanag ni Pangulong Duterte ang kanyang economic policy kung saan kabilang ang Build,Build,Build Iinfrastructure Project. Dagdag ni Andanar isa rin itong pamamaraan ng pagpapakita sa publiko kung gaano ka-instrumental ang China sa economic o infrastructure development ng Pilipinas.

Foreign Policy briefing sa Peking University

Matapos marinig ang foreign policy briefing ni Prof. Wang mula sa Peking University nitong Mayo 4, 2017 ipinahayag ni Kalihim Andanar "My aspiration after this newly gained knowledge is to help the Chinese government send the right message to the Filipino people. Kailangan ibahagi kung ano talaga ang pakay ng Tsina sa buong mundo, kung ano ang nakukuha natin at kung gaano ka sinsero ang China sa pagtulong para umasenso ang bansa natin."

Panawagan niya sa mga Pilipinong nasa Tsina na ikalat ang "real news" at hindi ang "fake news." At hiniling ang patuloy na suporta para kay Pangulong Rodrigo Duterte at Pangulong Xi Jinping. Ipinaalala niyang "Ang China at Pilipinas ay di lang basta trading partner, magkapatid po tayo. We have a long history with China."

Kasalukuyang nasa Beijing si Kalihim Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) kasama ang delegasyong binubuo ng mga kawani ng kaniyang tanggapan, Radyo ng Bayan at Philippine News Agency. Sa paanyaya ng State Council Information Office of China, dumalaw ang grupo sa iba't ibang himpilan ng media sa Beijing mula Mayo 3-5, 2017, at inalam ang pamamalakad ng mediayang Tsino. Bukas Mayo 6, tutulak ang grupo patungong Nanjing, pagkatapos ay pupunta sa Suzhou at Shanghai para ipagpatuloy ang kanilang pagdalaw na tatagal hanggang Mayo 12, 2017.

Ulat: Mac Ramos
Web editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>