Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Tsino, nagpadala ng mensaheng pambati sa bagong pangulo ng T.Korea

(GMT+08:00) 2017-05-10 15:03:23       CRI
Nagpadala ng mensahe, ngayong araw, Miyerkules, ika-10 ng Mayo 2017, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kay Moon Jae-in, bilang pagbati sa kanyang pagkakahalal bilang bagong pangulo ng Timog Korea.

Tinukoy ni Xi, na nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at T.Korea, komprehensibo at malalimang umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa, at mabunga ang kanilang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang aspekto. Ito aniya ay nagdulot ng mga aktuwal na kapakinabangan sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at nagbigay din ng positibong ambag sa kapayapaan at kaunlaran ng rehiyong ito.

Binigyang-diin ni Xi, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa T.Korea. Sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa isa't isa, nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng T.Korea, na patatagin ang pagtitiwalaan, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, palakasin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan, at pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>