Bumibisita araw-araw ang maraming turista at mamumundok sa Mount Everest sa purok-hanggahan ng Tsina at Nepal. Nag-iiwan din sila ng maraming basura.
Sa pag-organisa ng Chinese Mountaineering Association at Departamento ng Palakasan ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina, isinasagawa ang aktibidad ng pagkuha ng mga basura sa hilagang dalisdis ng Mount Everest sa loob ng Tsina. Kalahok dito ang mga mamumundok na Tsino at dayuhan, lokal na residente, at boluntaryo.
Ang mga larawang ito na kinuha kahapon, ika-10 ng Mayo 2017, ay nagpapakitang pinupulot ng mga tao ang mga basura, at dadalhin pababa sa bundok sa pamamagitan ng mga motosiklo at yak.