Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Commission on Human Rights, nagpasalamat sa ulat ng United Nations

(GMT+08:00) 2017-05-12 17:33:59       CRI

NAGPASALAMAT ang Commission on Human Rights sa ulat matapos ang Universal Periodic Review Working Group hinggil sa kalagayan ng karapatang pangtao sa Pilipinas at nagsabing marapat na tanggapin ni Pangulong Duterte ang mga rekomendasyon.

Ayon kay Chairman Chito Gascon, nagpapasalamat sila sa ulat ng United Nations at nanawagang tanggapin ng pamahalaan, partikular ng ehekutibo ang mga mungkahi ng iba't ibang bansang lumahok sa pagbabalik-aral.

Idinagdag pa ni G. Gascon na kailangang mapanagot ang lahat ng may kagagawan ng paglabag sa Karapatang Pangtao. Ito rin ang sinabi ng tagapagsalita ng Commission on Human Rights, si Atty. Jacqueline de Guia. Halos magkahalintulad ang mga mungkahi ng CHR at ng United Nations. Kasama sa mungkahi ang panawagan na payagan ang UN Special Rapporteur na magsagawa ng pagsusuri ng walang anumang kondisyon. Mas makabubuting anyayahan si Dr. Agnes Callamard na bumalik sa Pilipinas para sa isang official visit ayon sa Terms of Referrence ng United Nations.

Ang Francia, Alemania, Ghana, Hungary at Latvia ay kabilang sa mga bansang nanawagan sa pamahalaang payagan si Dr. Callamard na magsagawa ng pagsisiyasat ng walang anumang kondisyon.

Aabot sa 45 bansa ang nagpaabot ng kanilang pagkabahala sa sinasabing extra-judicial killings sa bansa. Kasabay nito ang panawagang huwag nang ibalik pa ang parusang kamatayan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>