|
||||||||
|
||
HINILING ng kawal na Americanong si Lance Corporal Scott Pemberton sa Court of Appeals na baliktarin ang desiyon nitong nagpapatibay sa hatol sa pagpatay sa isang transgender na kinilala sa pangalang Jeffry "Jennifer" Laude noong Oktubre ng 2014.
Sinabi ni Atty. Rowena Garcia-Flores na nagkaroon na sila ng kahilingan sa Court of Oppeals noon pang nakalipas na ika-26 ng Abril.
Sinabi ni Pemberton na nagkamali ng Court of Appeals sa naunang desisyon nito. Hindi rin umano kinilala ng hukuman ang ebidensyang magpapatunay na wala siyang kasalanan.
Nahatulan si Pemberton na mabilanggo ng anim hanggang sampung taon ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 74 noong Disyembre ng 2015 kasunod ng higit sa isang taong paglilitis na binantayan ng madla. Hiniling ng nahatulang palayain siya sapagkat ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili nang sampalin siya ni Laude matapos mabatid na pareho ang kanilang ari. Idinagdag pa ng Americano na posibleng iba ang pumatay sa biktima.
Tinanggihan ng Court of Appeals Special 16th Division noong ikatlong araw ng Abril sapagkat kaduda-duda ang mga pahayag nito. Kaya umano nasawi ang biktima ay sa galit ng Americanong mabatid na kapwa sila lalaki. Nanindigan ang Americano na pagtatangol sa sarili ang dahilan kaya niya napaslang ang biktima.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |