|
||||||||
|
||
NADAKIP kahapon ng mga kawal at pulis ang isang nangungunang lider ng New People's Army sa Barangay Gango sa Ozamiz City.
Mga kawal mula sa 102nd Infantry Brigade ng Tabak Division at PNP personnel ng Ozamiz City ang nakadakip kay Rommel Salinas. Siya umano ang kalihim ng SECOM Sendong, Western Mindanao Regional Party Committee.
Mayroon siyang limang warrants of arrest sa usaping arson, pagpatay, nabigong pagpatay at robbery in band.
Kasama ni Salinas ang tatlong iba pa na kinilalang sina Bishop Carlo Morales ng Aglipayan Church at ang kanyang maybahay na si Maria Teofifina Morales at tsuper na nagngangalang Sadome Dalid sakay ng isang pribadong sasakyan. May isang granadang natagpuan sa kanyang pag-iingat kasama ng mga personal na ari-arian.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |