Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pangulo ng Tsina at Indonesia, nag-usap

(GMT+08:00) 2017-05-15 15:56:12       CRI

Nakipagtagpo kahapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang counterpart na Indones na si Joko Widodo na nasa sa Beijing para sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) .

Tinukoy ni Xi na noong Oktubre ng taong 2013, sa kauna-unahang pagkakataon, iniharap niya ang "One Belt and One Road Initiative." At pagkaraang maging pangulo ng Indonesia ni Joko Widodo, iniharap din niya ang pagsisikap para maging Global Maritime Axis ang Indonesia. Nitong ilang taong nakalipas, aktibong tinalakay ng dalawang bansa ang nasabing mga kaisipan, komprehensibong pinalalim ang kooperasyon at natamo ang kapansin-pansing bunga at binuksan ang mas malawak na espasyong pangkooperasyon, aniya pa.

Binigyan-diin ni Xi na para mapasulong ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, dapat mapanatili ang pagpapalitan sa mataas na antas, lubos na samantalahin ang mga mekanismo ng diyalogo at pagpapalitan, at palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal. Nakahanda aniya ang panig Tsino na katigan ang intergrasyon ng ASEAN at ibayo pang pasulungin ang relasyong Sino-ASEAN at kooperasyong silangang Asyano.

Ipinahayag naman ni Joko na mataas na pinahahalagahan ng Indonesia ang "One Belt and One Road Initiative" at kasalukuyang porum. Nananalig aniya siyang ang pagtatatag ng "One Belt and One Road" ay makakapag-bigay ng mas maraming pagkakataon sa koopersyong pangkabuhayan ng Tsina at Indonesiya. Bukod dito, nakahanda ang Indonesia na pahigpitin ang pagpapalitan at pakikipagkoordina sa panig Tsino ng mga suliraning pandaigdig at panrehiyon, at katigan ang matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-ASEAN, aniya pa.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>