|
||||||||
|
||
IBINASURA ng House of Representatives Committee on Justice ang impeachment complaint ni Magdalo Party List Congressman Gary Alejano sapagkat 'di umano sapat ang laman nito.
Maayos naman ang pagkakagawa ng reklamo subalit hiniling ni Congressman Doy Leachon at ni Deputy Speaker Fredenil Castro na ideklara ng komite na hindi sapat ang laman ng reklamo sa pagkaka-alam ni Congressman Alejano sa detalyes ng reklamo.
Umabot sa 42 sa mga kasapi sa komite ang bumoto na ideklarang 'di sapat ang laman ng reklamo. Ihahanda na ng lupon ang ulat para sa plenaryo ng Mababang Kapulungan.
Sa pagtatanong ni Majority Leader Rodolfo Farinas, lumabas na walang sapat na pagka-alam sa detalyes ng kanyang reklamo laban sa pangulo ng bansa si Congressman Alejano.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |