Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Padalang salapi ng mga manggagawang Filipino, lumago

(GMT+08:00) 2017-05-16 09:56:29       CRI

LUMAGO ng may 11.8% ang personal remittances na ipinadala ng mga Filipino sa ibang bansa sa unang tatlong buwan ng 2017 kung ihahambing sa nakamtang halaga noong nakalipas na taon. Umabot sa US$ 2.9 bilyon ang dumating na salapi sa bansa noong nakalipas na Marso.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, nakamit ang halagang US$ 7.7 bilyon at mas mataas ito sa pumasok na salapi noong 2016. Ipinaliwanag ni Gobernador Tetangco na tumaas ang personal remittances dahilan sa 10.5% na inilago ng salaping padala ng mga manggagawa sa iba't ibang bansa na may mga kontratang higit sa isang taon at naging pambawi sa ibinabang 2.0% na salaping mula sa mga magdaragat at mga manggagawang may kontrata na mas maiksi sa isang taon.

Lumago rin ang salaping idinaan sa mga bangko sa pagkakaroon ng 10.7% na dagdag sa halagang US$ 2.6 bilyon.

Tumaas ang padalang salapi mula sa land-based workers sa halagang US$ 2.1 bilyon at 12.8% at mula sa mga magdaragat na nagpadala ng higit sa limang daang milyong dolyar na lumago ng 3.4%.

Nagmula ang karamihan ng salapi sa Estados Unidos na 3.9%, Canada at United Arab Emirates na nakapag-ambag ng 2.1% points, Japan na magkaroon ng 1.0% at Hong Kong na nagbigay ng 0.8% point.

Ang cash remittances na nakarating sa Pilipinas sa unang tatlong buwan ng taong 2017 ay umabot sa halagang US$ 7.0 bilyon na kinakitaan ng dagdag na 7.7% sa nakalipas na taon. Ang cash remittances mula sa land-based workers ay lumago ng 10.4% sa halagang US$ 5.6 bilyon na nakatakip sa 2.0% na kabawasan mula sa sea-based workers na umabot sa US$ 1.4 bilyon.

Halos 80% ng cash remittances ay mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, UAE, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Kuwait, Hong Kong at Canada.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>