Ang Karakoram Highway (KKH), na tinatawag ding China-Pakistan Friendship Highway, ay isang mahalagang lansangang nag-uugnayan ang kahilagaan ng Pakistan, kabisera ng Islamabad, at rehiyon sa baybaying-dagat sa katimugan ng bansa. Ito rin ay tanging lansangan mula Tsina sa Pakistan. May mahalagang katuturang estratehiko at militar ang lansangang ito.
Ang buong haba ng KKH ay 1,032 kilometro. Kabilang dito, 416 na kilometro ay nasa loob ng Tsina, at 616 kilometro naman ay nasa loob ng Pakistan. Ang KKH ay tinatawag na pinakamaganda at pinakamataas na lansangan sa buong daigdig. Napili ito bilang isa sa "sampung pinakamapanganib na lansangan sa buong mundo."
Salin: Li Feng