Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Duterte, dadalaw sa Russia sa Lunes

(GMT+08:00) 2017-05-20 14:45:00       CRI

NAKATAKDANG umalis patungong Russia si Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, ika-22 ng Mayo sa paanyaya ni Pangulong Vladimir Putin. Magtatagal siya sa Russia hanggang sa Biyernes, ika-26 ng Mayo.

Ito ang sinabi sa isang press briefing ni Foreign Affairs Asst. Secretary Maria Cleofe Natividad ng European Affairs Office. Magbubukas umano ng bagong bahagi ng Kasaysayan ng bansa ang pagdalaw na ito upang higit na sumigla ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Nagdiwang na ang Pilipinas at Russia ng ika-40 taon ng diplomatic relations noong nakalipas na 2016.

Bahagi ito ng bagong partnerships na nais itatag ni Pangulong Duterte sa mga bansang non-traditional trading partners ng Pilipinas. Nagkita na sina Pangulong Duterte at Putin sa APEC Summit Meeting sa Lima, Peru noong nakalipas na taon. Nagkita na rin sina Pangulong Duterte at Prime Minister Medvedev noong Setyembre ng 2016 sa ASEAN Summit.

Magiging mahalaga ang mga pagpupulong nina G. Duterte, Putin at Medvedev. Lalagda ang dalawang bansa sa mga kasunduan hinggil sa defense, security, legal assistance, trade and investment, payapang paggamit ng nuclear energy at kultura.

Sa Moscow, magsasalita si G. Duterte sa Moscow State Institute of International Relations at ipaliliwanag ang kanyang independent foreign policy na nakatuon sa interes ng Pilipinas.

Mumunti ang kalakal sa pagitan ng dalawang bansa at umaasa si Assistant Secretary Natividad sapagkat ang kalakal noong nakalipas na taon ay umabot lamang sa US$ 226 milyon at nakapagbenta ang Pilipinas ng may halagang US$ 49 m sa Russia. Lalahok si Pangulong Duterte sa Philippine-Russia Business Forum.

Nakatakdang pag-usapan ang kalakal sa larangan ng energy, transportation, tourism at pagawaing-bayan. Makakaharap din niya ang mga Filipino sa Russia. Mayroon umanong mga 5,000 Filipino sa Russia.

Dadalaw din siya sa St. Petersburg.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>