Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Public Attorney's Office, naningigang maayos ang pagpapalaya kay Lt. Col. Marcelino

(GMT+08:00) 2017-05-20 14:47:42       CRI

SINABI ni Chief Public Attorney Persida V. Rueda Acosta na walang masama sa desisyon ng Department of Justice na pumabor kay Lt. Col. Ferdinand Marcelino at Tsinong kapwa akusado.

Ito ang tugon ni Atty. Acosta sa pahayag ng pulisya na magiging masama ang epekto nito sa kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga. Ang Public Attorney's Office ang nagsilbing abogado ni Col. Marcelino ay ng kanyang kapwa akusado na si Yan Yi Shou.

Ayon kay Atty. Acosta, walang pagkakamali sa resolusyon ng Department of Justice na naging dahilan upang iurong ang kasong drug possession nan a sa Manila Regional Trial Court Branch 49.

Nilagdaan ni Judge Daniel Villanueva ang release order matapos bigyang pansin ang motion to withdraw ng Department of Justice. Idinagdag pa ni Judge Villanueva na ang kanyang desisyon ay sa interes ng katarungan at exercise of sound discretion.

Lumabas na si Marcelino sa piitan sa Campo Aguinaldo kahapon samantalang pinalaya na si Yan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kaninang umaga.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>