|
||||||||
|
||
Magkahiwalay na ipinahayag ngayong araw, Martes, ika-23 ng Mayo 2017, nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pakikiramay kina Queen Elizabeth II at Punong Ministro Theresa May ng Britanya, kaugnay ng pagsabog sa Manchester, lunsod sa kahilagaan ng bansang ito, na nagdulot ng malaking kasuwalti.
Ayon sa ulat, naganap kagabi, local time, ang pagsabog sa isang arena sa Manchester, habang nagaganap ang konsiyerto ng American pop star na si Ariana Grande. 19 na katao ang kinumpirmang napatay, at 59 iba pa ang nasugatan.
Isinasagawa ngayon ng panig pulisya ng Manchester ang imbestigasyon sa insidenteng ito, bilang "posibleng teroristikong pag-atake."
Ipinahayag naman ni Punong Ministro Theresa May ng Britanya ang pagkondena sa insidenteng ito. Nagpulong na hinggil dito ang mga mataas na opisyal na laban sa terorismo ng Britanya.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |