Sa kanyang pagdalaw sa Saudi Arabia, ipinahayag Lunes, Mayo 21, 2017, ni Donald Trump, Pangulo ng Amerika na nakahanda ang kanyang bansa na magbigay-tulong sa mga bansa sa Gitnang Silangan para sa paglaban sa terorismo. Pero, sinabi rin aniyang huwag umasa ang mga nabanggit na bansa sa Amerika, at nanawagan siyang dapat magkaisa ang mga bansa para bigyang dagok ang terorismo.
Nang araw ring iyon, lumahok si Trump sa isang pulong kasama ng mga lider ng mahigit 50 bansang Arabe at Islamiko sa Riyadh, Saudi Arabia. Sinabi niyang kumakalat ang terorismo sa buong daigdig, at ang Gitnang Silangan ay "hardest hit". Hinimok niya ang mga bansa ng Gitnang Silangan na aktibong magbigay dagok sa mga terorista at ekstrimista para lumikha ng mapayapang hinaharap para sa mga sumusunod na henerasyon.
Dumating si Trump sa Saudi Arabia noong ika-20 ng Mayo, at ito ang kauna-unahang pagdalaw niya sa ibayong dagat sapul nang manungkulan siya bilang pangulo.
salin:Lele