Binuksan Martes, Mayo 23, 2017, sa Beijing ang ika-40 Antarctic Treaty Consultative Meeting, ito ang kauna-unahang pagkakataon idinaos ang nasabing pulong sa Tsina.
Nakatakdang talakayin ng 400 kinatawan mula sa 44 na signataryong bansa ng Antarctic Treaty at 10 oraganisasyong pandaigdig ang hinggil sa pagsasagawa ng kasunduan, pagsusuri sa Antarctic, pagbabago ng klima, reserve area at iba pa.
Sa seremonya ng pagbubukas, sianbi ni Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer ng Tsina na bilang isang signataryong bansa ng Antarctic Treaty, laging pinangangalagaan ng Tsina ang layunin at paninindigan ng Antarctic Treaty at kabuuang interes ng komunidad ng daigdig. Aniya pa, isinasabalikat din nito ang pananagutan, at nagsisikap para sa mapayapa at matatag na kaayusan ng Antarctic, na angkop sa pangangalga ng kapaligiran.
salin:Lele