Ayon sa ulat kahapon, Sabado, ika-27 ng Mayo 2017, ng Ministring Panlabas ng Tsina, mula huling araw ng buwang ito hanggang ika-2 ng darating na Hunyo, magsasagawa si Premyer Li Keqiang ng Tsina ng opisyal na pagdalaw sa Alemanya at Belgium. Sa pananatili naman sa Brussels, Belgium, idaraos din niya, kasama ng mga lider ng Unyong Europeo (EU) ang Ika-19 na China-EU Summit.
Ayon sa Ministring Panlabas, umaasa ang panig Tsino, na sa pamamagitan ng biyaheng ito, palalakasin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa pagitan ng Tsina at Alemanya, Tsina at Belgium, at Tsina at EU, palalalimin ang pagtitiwalaang pulitikal, at pasusulungin din ang pragmatikong kooperasyon. Ito anito ay para magbigay ng bagong lakas sa mga bilateral na relasyon, at magkakasamang ipalabas ang positibong signal hinggil sa kooperasyon, pagbubukas, at win-win.
Salin: Liu Kai