Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Security personnel, sisiyasatin din

(GMT+08:00) 2017-06-05 18:27:03       CRI

MAGTATANONG ang Philippine National Police sa mga tauhan ng Resorts World kung bakit nila iniwanan ang kanilang trabaho sa closed circuit television room matapos pumasok ang isang armadong lalaki noong Biyernes ng gabi.

Ayon ky NCRPO Director Oscar Albayalde, sa isang panayam sa telebisyon, nais niyang mabatid ang dahilan ng mga security personnel sa kanilang pag-alis sa trabaho samantalang may kaguluhang nagaganap.

Aalamin din nila ang ilan pang security lapses ng RSM at maging ng NC Lanting Security Specialist Agency. Kung walang umalis sa kanilang trabaho, mas madaling nasubaybayan ang armadong lalaking kinilala na kahapon.

Pumasok ang armado sa casino samantalang may dalang automatic rifle. Pinigil na sana ng isang babaeng security guard ang armado subalit ng hindi mapigil ay tumakbo na lamang palayo na naging simula ng paglikas at pagkakaroon ng stampede.

Aalamin din ng mga autoridad kung paano nakarating sa suspect ang dalawang baril, isang armalite at isang short firearm na huling narehistro sa isang taong nasa America na ngayon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>