Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina—Idinaos dito Martes, Hunyo 6, 2017 ang 2-araw na simposyum hinggil sa pangangalaga at pagpapalaganap ng pamanang kultural ng mga bansa sa kahabaan ng Lancang-Mekong River.
Tinalakay ng mga opisyal ng pamahalaan, dalubhasa at iskolar mula sa Tsina, Laos, Kambodya, Myanmar, Thailand at Biyetnam ang mga paksang gaya ng matagumpay na paraan ng pangangalaga sa pamanang kultural, paggagalugad at paggamit ng pamanang kultural, at pagpapalita't pagtutulungan sa pangangalaga sa pamanang kultural.
Salin: Vera