Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Klase, nagsimula na kahapon

(GMT+08:00) 2017-06-06 18:32:40       CRI

SINABI ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones na higit sa 13 milyong kabataan ang pumasok na sa mga paaralan kahapon.

Sa isang press briefing sa Malacanang, sinabi ni Secretary Briones na pumasok na rin ang mga batang mula sa Marawi City sa iba't ibang bahagi ng bansa. Karaniwang nakikitira sila sa mga kamag-anak hanggang sa Tarlac at Metro Manila. Hindi na muna nila hinanapan ng mga dokumento ang mga kabataang lumipat ng paaralan.

Di tulad ng inaakala ng nakararami. Umabot lamang sa 1.5 % ang kakulangan ng mga silid aralan sa mababang paaralan, mayroong kakulangan ng 1.9% sa junior high school samantalang 6.56% ang kakulangan ng mga silid sa senior high school.

Wala na umanong mga batang nag-aaral sa ilalim ng punong mangga. Naganap umano ito noong panahon niya bilang isang mag-aaral.

Idinagdag pa ni Secretary Briones na ang problema ay ang lupang pagtatayuan ng mga silid – aralan.Halimbawa na umano ang Marikina na nais bumili ng lupain para pagtayuan ng paaralan subalit walang nais magbili. Wala ring gustong magkaloob sa pamahalaan ng sapat na lupain para sa paaralan.

May mga pook na sobra ang mga guro samantalang may mga pook na kulang sa mga guro, dagdag pa ng kalihim. Umaabot lamang sa 1.5 % ang kakulangan ng mga guro.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>