Kaugnay ng insidente ng pagkawala ng isang eroplanong militar ng Myanmar, nagpahayag Huwebes, Hunyo 8, 2017 si Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina ng pakikidalamhati sa panig Myanmar at mga pamilya ng biktima at nasawi.
Aniya, nakahanda ang panig Tsino na magkaloob ng kinakailangang tulong sa mga susunod na gawain, batay sa hangarin at pangangailangan ng Myanmar. Dagdag pa niya, handang handa na rin ang China National Aero-Technology Import & Export Corporation para tulungan ang Myanmar na isagawa ang mga kinauukulang gawaing gaya ng imbestigasyon sa aksidenteng ito.
Salin: Vera