|
||||||||
|
||
Filipino Chinese Spouses Organization
Beijing, Tsina--Mahigit 500 Pilipinong namumuhay at nagtatrabaho sa Beijing at karatig-lugar ang tumungo kahapon, Hunyo 11, 2017 sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing upang ipagdiwang ang Ika-119 na Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya.
Embahador Jose Santiago Sta Romana
Embahador Jose Santiago Sta Romana (kanan) matapos bigyang-pagkilala ang isa sa mga bandang tumugtog sa pagtitipon
Sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino kay Embahador Jose Santiago Sta Romana, Sugo ng Pilipinas sa Tsina, sinabi niyang ang araw na ito ay isang pagkakataon para gunitain ang pakikibakang ginawa ng ating mga bayani tungo sa pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
Ang nasabing pagtitipon, anang embahador ay isang napakasayang kaganapan dahil nagkita-kita ang mga Pilipinong nasa Beijing at iba pang karatig-lugar.
Pinasalamatan din ni Sta Romana ang Tsina sa mga oportunidad sa trabaho na ibinibigay nito para sa mga Pilipino.
Samantala, binasa rin ni Embahador Sta Romana ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa sambayang Pilipino.
Ayon sa naturang mensahe, ang paglalakbay tungo sa kasarinlan ay hindi naging madali para sa Sambayanang Pilipino.
Anito, dugo, pawis at buhay ang inialay ng mga ninunong Pilipino para sa karapatang tinatamasa ng mga Pilipino ngayon bilang malayang mamamayan.
Nararapat lamang na pahalagahan ang mga sakripisyo ng mga bayaning Pilipino sa pamamagitan ng pagiging mabuting mamamayan, upang makamtan ang kaunlaran at kasaganaan, dagdag pa ng mensahe ni Duterte.
Dating CNN Beijing Bureau Chief Jaime FlorCRuz, pagkatapos niyang umawit ng Bayan Ko
Dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III (kaliwa) at isang Pinay habang nagpapakuha ng larawan
Mga Pinoy na nagtatrabaho sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB)
Sa kabilang dako, ibat-ibang pagtatanghal ang inihandog ng mga Pilipinong dumalo sa pagtitipon na tulad ng tradisyonal na sayaw ng mga Igorot mula sa mga taga-Cordillera, masaya at kaindak-indak na mga kanta mula sa mga banda, pag-awit ng "Bayan Ko" ng kilalang mamamayahag at dating Cable News Network (CNN) Beijing Bureau Chief na si Jaime FlorCruz, at marami pang iba.
Nagkaroon din ng ibat-ibang pa-raffle kung saan napanalunan ang mga premyong tulad ng Maotai (kilalang alak ng Tsina), round trip plane ticket sa Pilipinas at Tsina, etc.
Bandang nagtatanghal sa pagtitipon
Bandang nagtatanghal sa pagtitipon
Mga dumalo sa pagtitipon
Mga dumalo sa pagtitipon
Mga Pinoy habang nagkakasiyahan
Sina Joyce (kaliwa) at Ogie (Kanan) ng Filipino Chinese Spouses Organization (FCSO)
Ulat at larawan: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |