Idinaos kahapon Hunyo 12, 2017 sa Beijing ang magkasanib na preskon ng Singapore at Tsina. Dumalo sa pagtitipong ito ang mga Ministrong Panlabas ng Singapore at Tsina na sina Vivian Balakrishnan at Wang Yi.
Ipinahayag ni Vivian Balakrishnan na susuportahan ng Singapore ang pagtatatag ng Belt and Road Initiative. Aniya, ang inisyatibong ito ay makakatulong hindi lamang sa pinasusulong na konstruksyon ng imprastruktura at konektibidad ng mga bansang Asyano, kundi maging sa pinalalakas na ugnayan sa pagitan ng Asya, Europa at Oceania. Nakahanda aniya ang Singapore na magsikap, kasama ng Tsina para pasulungin ang ugnayan ng estratehiyang pangkabuhayan ng Singapore at Tsina, upang magbigay-ginhawa sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Wang Yi na positibo ang Tsina sa pagsapi ng Singapore sa konstruksyon ng Belt and Road Initiative. Umaasa aniya siyang gaganap ng mahalagang papel ang Singapore sa usaping ito, sa pamamagitan ng kanyang geographic advantage.