Ayon sa ulat ng Manila Times, baka maaprobahan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) ang 150 milyong USD na pondo sa isang flood control project sa Metro Manila.
Napag-alamang ang nasabing flood control project na makakatulong sa 970 libong tao o 210 libong pamilya, ay kinabibilangan ng pagtatatag ng bagong pumping station at mga may-kinalamang imprastruktura at pag-uupgrade sa kasalukuyang umiiral na pasilidad, partikular sa solid waste management system at drainage system.
Nakatakdang suriin at pagtibayin ng Board of Governers ng AIIB ang proyekto sa darating na Hunyo 16. Ang buong proyekto ay mangangailangan ng mga 500 milyong USD at ito'y magkasamang ilalaan ng AIIB, World Bank (WB), Global Environment Fund (GEF) at pamahalaan ng Pilipinas.