|
||||||||
|
||
Miyerkules, ika-14 ng Hunyo, 2017, inalis ng pamahalaan ng Kambodya ang ban sa pagbalik sa bansa ni Sam Rainsy, dating Tagapangulo ng Cambodia National Rescue Party (CNRP).
Ipinahayag ng pangalawang tagapangulo ng CNRP ang pagtanggap sa nasabing desisyon ng pamahalaan. Aniya, sa kasalukuyan, di pa tiyak ang konkretong petsa ng pagbalik ni Sam Rainsy, at babalik siya sa bansa bago magdaos ng pambansang halalan sa taong 2018.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |