Sa isang mall sa Xi'an, punong lunsod ng Shaanxi ng Tsina, sinasamahan ni Gng. Ginang Shi Dashi, ang kanyang customer sa pagpili ng summer dress. Ang trabaho ni Gng. Shi ay samahan ang mga customer sa pamimili. Ang kanyang pang-araw-araw na gawain ay pagbibigay ng tulong at mungkahi sa mga customers sa pagpili ng mga damit, sapatos, bag, at iba pa, upang mas maging maganda ang kanilang hitsura.
Umaabot sa 1,000 Yuan RMB ang kanyang hourly income. Dahil sa kanyang ibinibigay na tulong, ang ilang customer ay nakahanap ng pagmamahal, trabaho, at naging mas self-confident dahil sa pagbabago ng istilo ng kanilang pananamit.
Salin: Li Feng