Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang Filipinong nasawi sa sunog sa London

(GMT+08:00) 2017-06-16 17:04:43       CRI

WALANG Filipinong nasawi sa malaking sunog na puminsala sa isang 27-palapag na gusaling kilala sa pangalang Grenfell Tower na mayroong 120 mga tahanan sa hilaga ng Kensington. Hindi pa mabatid ang pinagmulan ng sunog.

Ito ang ibinalita ng Department of Foreign Affairs sa kanilang pahayag kanina. May ilang katao ang nabalitang nasawi. Walang iniulat ang Embahada ng Pilipinas na mga nasawing Filipino. Hindi pa nababatid ang mga pangalan ng mga nasawi hanggang hindi pa natatapos ang imbestigasyon. Ilang mga Filipino at Filipino-Briton ang apektado ng sunog at na sa mga pagamutan at evacuation centers.

Inaalam pa ng Embahada ng Pilipinas sa London ang detalyes at pagkakakilanlan ng mga biktima. Handa rin ang embahada na tumulong sa mga mangangailangan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>