|
||||||||
|
||
Sa pahayag na inilabas nitong Biyernes, Hunyo 16, 2017, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag ni António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), ang lubos na pakikidalamhati sa pagyao ni Helmut Kohl, dating Chancellor ng Alemanya.
Sinabi ni Guterres na mahalagang papel ang ginawa ni Kohl sa aspekto ng pagsasakatuparan ng mapayapang unipikasyon ng Alemanya. Tinulong din aniya ni Kohl ang paglilikha ng prosesong historikal ng integrasyong pampulitika at pangkabuhayan sa Europa.
Pumanaw nitong Biyernes, si Kohl sa kanyang pabahay na may edad na 87.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |