|
||||||||
|
||
Kinumpirma nitong Biyernes, Hunyo 16, 2017, ng panig pulisya ng Britanya na umakyat na sa 30 ang bilang ng mga nasawi kasunod ng pagkakasunog ng Grenfell Tower sa London. Posibleng patuloy na tataas ang bilang ng mga nasawi.
Ayon sa pahayagang "The Times" nitong Biyernes, hanggang sa ngayo'y nawawala pa ang 45 katao sa sunog na kinabibilangan ng 10 bata. Anito, posibleng lumampas sa 50 ang bilang ng mga patay sa sunog, dahil hindi pa nakapasok ang mga tagapagsiyasat sa mga mataas na palapag ng gusali.
Ayon sa naunang pagtaya ng panig pulisya, nasa 400 hanggang 600 residente ay nasa loob ng Grenfell Tower habang naganap ang sunog.
Nitong Huwebes, Hunyo 15, 2017, inatasan ni British Prime Minister Theresa May na magsagawa ng full public inquiry sa sunog.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |