Kamakaila'y lumabas ang resulta ng Core77, American Top Design Award at nakuha ng "Life Slide" na gawa ni Fan Shizhong, postgraduate mula sa Hunan University, ang pinakamataas na gantimpala sa uri ng disenyo ng kasangkapang pangkomunikasyon.
Bilang tugon sa high-rise rescue na isang mahirap na problemang pandaigdig, nakapaloob sa "Life Slide" ang design idea na tulad ng slide, lifting equipment, at rescue ladder. Habang isinasagawa ang rescue operation, puwedeng mag-slide ang mga tao patungo sa lupa mula sa mataas na gusali na parang naglalaro sa padulas.
Salin: Li Feng