Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, nagpalabas ng pahayag kahapon, Sabado, ika-24 ng Hunyo 2017, si Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), bilang pakikiramay sa mga mamamayan at pamahalaang Tsino, kaugnay ng naganap na landslide sa Maoxian County ng lalawigang Sichuan sa timog kanlurang Tsina.
Ipinahayag din ni Guterres ang pagluluksa sa mga nasawi sa kalamidad, at pangungumusta sa mga nasugatan. Dagdag niya, kung may pangangailangan, nakahanda ang UN na magkakaloob ng tulong sa Tsina.
Salin: Liu Kai