|
||||||||
|
||
Sa Cangxian County, lalawigang Hebei sa hilagang Tsina, may isang matandang magaling sa tradisyonal na Chinese ink-wash painting. Pero, ang kakaiba sa kanya, sa halip na gumamit ng brotsa sa pagguhit, ang kanyang mga daliri, kuko, at palad ay ginagamit. Ibig sabihin, siya ay isang finger painter ng Chinese ink-wash painting.
Ang pangalan ng naturang matanda ay Sun Ruicheng. 71 taong gulang, at siya ay ika-4 na henerasyon sa pamilyang Sun na magagaling na finger painter ng Chinese ink-wash painting.
Para palaganapin ang sining na ito, kumalap ng mga estudyante si Sun Ruicheng. Nagbibigay rin siya ng regular na aralin sa mga elementary at high school student.
Noong 2015, inilakip ang Chinese ink-wash finger painting ng pamilyang Sun sa lokal na listahan ng mga intangible cultural heritage ng Hebei.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |