Isiniwalat Huwebes, ika-29 ng Hunyo, 2017 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaan ng Lalawigang Gansu ng Tsina na nakatakdang idaos sa ika-6 ng Hulyo ang ika-23 Lanzhou Investment & Trade Fair, at inanyayahan ang Malaysia at Nepal bilang Guest Country of Honor sa kasalukuyang taon.
Ang tema ng peryang ito ay "Magkasamang Pagtatatag ng Belt and Road, Pagpapasulong sa Mutuwal na Kapakinabangan at Win-Win Situation." Hanggang ika-26 ng Hunyo, 36 na bansa sa kahabaan ng Belt and Road, mga organisasyong pandaigdig, Hong Kong, Macao at Taiwan ang inanyayahang dumalo rito. Lalahok sa perya ang mahigit 1,500 bahay-kalakal at mahigit 3,000 mangangalakal sa loob at labas ng bansa.
Idinaos ang unang Lanzhou Investment & Trade Fair noong 1993, at nagsilbi itong propesyonal malaking pandaigdigang pagtatanghal sa gawing kanluran ng Tsina. Ang Lanzhou ay punong lunsod ng Gansu.
Salin: Vera