Dumalo ngayong araw, Sabado, July 1 2017, sa Hong Kong, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa seremonya ng paglalagda sa balangkas na kasunduan hinggil sa pagpapasulong ng konstruksyon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.
Ang proyektong ito ay naglalayong palakasin ang kooperasyon ng lalawigang Guangdong, Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao, para ang rehiyong binubuo ng tatlong lugar na ito ay maging isa sa mga pinakamaunlad na rehiyon sa daigdig.
Salin: Liu Kai