Ipinatalastas Lunes, Hulyo 3, 2017, ng Malaysian Anti-Corruption Commission (MACC) na i-imbestigahan nito ang kaso ng pagkawala ng military radar sa Tanjung Pelepas, Johor state, Malaysia.
Noong Mayo 2017, dumating ng Tanjung Pelepas ang mga hi-tek na military radar na nagkakahalaga ng mga ilang milyong Malaysian Ringgit. Ang mga ito ay mula Australya patungong Netherlands at dumaraan sa Tanjung Pelepas Port. Dahil sa kakulangan ng papelos, pansamantalang kinumpiska ng Malaysian Customs ang mga ito. Nang Huwebes, naiulat na nawawala ang nasabing mga military radar. Pero, ayon sa Malaysian Customs, ang mga ito ay nai-diliver na sa Netherlands.
salin:lele