|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea, ipinahayag Huwebes, Hulyo 6, 2017 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kahandaan, kasama ng Timog Korea, na ibalik sa malusog na pag-unlad ang relasyon ng dalawang bansa.
Ang dalawang pangulo ay kapuwa kalahok sa Ika-12 Group of 20 (G20) Summit na naka-iskedyul na buksan ngayong araw.
Sinabi ni Pangulong Xi na bilang dalawang bansang malapit sa isa't isa, mayroon magkaparehong kultura at komplementaryong bentahe ang Tsina at Timog Korea. Aniya pa, nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, mabilis na umuunlad ang pag-uugnayan at nagdudulot ito ng kapakinabangan para sa mga mamamayan at kapayapaan ng rehiyon.
Idinagdag pa ni Xi na pansamantalang kinakaharap ng dalawang bansa ang kahirapan sa pagpapasulong ng bilateral na relasyon, at ayaw ito makita ng panig Tsino. Ipinahayag din niya ang mainit na pagtanggap sa kahandaan ng Timog Korea sa pagpapabuti ng bilateral na relasyon sa pamamagitan ng pagpapadala ng delegasyon sa Belt and Road Forum for International Cooperation na idinaos sa Beijing nitong nagdaang Mayo, at pagpapadala ng sugo sa Tsina para ipaabot ang nakasulat na liham ni Pangulong Moon.
Ipinahayag naman ni Moon ang mataas na pagpapahalaga sa relasyon sa Tsina. Aniya pa, sapul nang manungkulan siya bilang pangulo, pinasusulong niya ang pakikipag-ugnayan sa Tsina para mapalago ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang lebel at sektor. Binigyang-diin din ni Moon na nauunawaan niya ang mga nukleong interes at isyung mahalaga sa Tsina. Nakahanda rin aniya siyang palalimin ang pakikipag-ugnayan sa Tsina.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |