Nilagdaan kahapon, Sabado, ika-8 ng Hulyo 2017, sa Ulaanbaatar, Mongolia, ng China Radio International (CRI) at Mongolian National Broadcaster (MNB), ang kasunduan hinggil sa pagtatanghal ng ilang TV drama at pelikula ng Tsina sa Mongolian.
Ang naturang ilang TV drama at pelikula ay kinabibilangan ng "Life Revelation," "My Sunshine," "Conscience," at "Detective D." Ang mga ito ay magkasamang gagawing Mongolian version ng naturang dalawang organisasyon.
Dumalo sa seremonya ng paglalagda sa kasunduan, sina Embahador Xing Haiming ng Tsina sa Mongolia, Presidente Wang Gengnian ng CRI, Director-General L.Ninjjamts ng MNB, at mga iba pang personahe mula sa iba't ibang sirkulo ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai