Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagmamahal sa Bayan: Kuwento ni Huang Danian

(GMT+08:00) 2017-07-13 18:59:39       CRI

Si Huang Danian

Dahil sa kanser, sumakabilang-buhay sa edad 58 anyos, noong Enero 8, 2017 si Huang Danian, kilalang Chinese geophysicist. Bilang namumukod na siyentista sa loob at labas ng Tsina, makabagbag-puso ang kuwento ni Huang, at sinasabi ng marami, na buong-puso niyang minahal ang Tsina.

Opisina ni Huang sa Jilin University

Isinilang noong 1958, natapos ni Huang ang kanyang master's degree sa geophysics, mula sa Changchun Geological Institute, lalawigang Jilin, sa hilagang silangan ng Tsina. Noong 1992, sa ilalim ng isang governmental scholarship, pumunta si Huang sa Britanya para sa ibayo pang pag-aaral. Doon, nakamtan niya ang doctor's degree sa geophysics sa University of Leeds. Dahil sa kanyang kahusayan sa teknolohiya ng deep earth exploration, nagtrabaho si Huang, bilang senior geophysicist sa ARKeX, isang kompanya sa Cambridge, Britanya.

Pagkaraang isagawa ng Tsina noong 2008 ang recruitment program of global experts, umuwi si Huang sa Tsina, at nagtrabaho sa Jilin University. Kaugnay ng desisyong ito, sa pamamagitan ng email, sinabi ni Huang sa kanyang kaibigan, na "kinakailangan ako ng aking bansa, at dapat akong umuwi."

Kalendar sa opisina ni Huang na nagpapakita ng kanyang mahigpit na iskedyul ng trabaho

Sa Jilin University, pinamunuan ni Huang ang isang grupo ng mga siyentista, para idebelop ang mga kagamitan para sa deep earth exploration. Isa sa mga ito ay isang uri ng hay-tek na kamera, na puwedeng makatuklas kung anu-ano ang mga bagay sa ilalim ng lupa, at hindi na kailangan pang maghukay. Sa pamamagitan ng mga kagamitang naidebelop ni Huang at kanyang grupo, mabilis na sumusulong ang teknolohiya ng Tsina sa deep earth exploration.

Isang kasama ni Huang

Ayon sa mga kasama ni Huang, lagi siyang abalang-abala sa trabaho, at kakaunti ang day-off. Sinabi minsan ni Huang, na atrasado ang Tsina sa teknolohiya ng deep earth exploration, kaya dapat makipagkarera ang mga siyentista laban sa oras. Dahil sa pagbibigay ni Huang ng halos lahat ng panahon sa trabaho, natuklasan lamang ang kanyang kanser, noong katapusan ng nagdaang taon.

Yumao na si Huang, pero nananatili ang kanyang mga pamana. Batay sa mga bunga ng pananaliksik niya, patuloy na pinasusulong ng kanyang mga kasamahan ang teknolohiya ng deep earth exploration ng Tsina.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>