Hakone, Hapon-Binuksan Hulyo 12, 2017 ang pulong ng mga punong negosyador ng 11 kasapi ng Trans-Pacific Partnership(TPP). Ito ay para susugan ang kondisyon sa pagkakabisa ng TPP. Tatalakyin din ng mga kalahok ang posibleng pagsusog sa mga regulasyon ng TPP. Hindi lumahok ang Amerika sa nasabing pagtitipon.
Nauna rito, idinaos ang ministeryal na pulong ng nasabing 11 kasapi, sa Biyetnam. Sinang-ayunan ng mga kalahok na dapat marating ang may-kinalamang pagkakasundo, bago idaos ang APEC Summit, sa susunod na Nobyembre ng taong ito.